Wednesday, February 6, 2008

BASTUSAN NA TALAGA!

Nakakalungkot na at nakakapoot ang kabastusan ng pinaggagagawa ng gobyerno natin. Ang patuloy nitong pang-iinsulto sa katalinuhan mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtangging wala silang kinalalaman sa pagkawala ni Noel "JUN" Lozada pagsapit nito sa palapagan ng airport.

Unang-una, sino ba ang may access na makalapit sa tarmac at may kapangyarian na di na padaanin pa sa normal na proseso ang isang pasahero? Di ako nagtataka kung bakit binaba ang rating natin ng Federal Aviation Authority. Kasalanan din ng gobyerno yan. Imagine ang isang pasahero pala ay maaring makakalusot kung ito'y may kakutsaba sa ating gobeyerno. Papano na kung may gustong magpasabog sa airport?

Isipin na lang nating nakaalis ang pasahero ng di dumaan sa immigration at custom! Anong ibig sabihin nito, pag ginusto ng gobyerno gagawa sila ng paraan kahit na meron silang natatapakan!

Ginagawa nilang bobo at gago ang mga taxpayer na tulad natin. Sana'y mapanagot ang mga sinasabing sangkot sa pagkawala ni Noel "JUN" Lozada. Nasan na ang separation ng executive at legislative? Binababoy na talaga nila di ba. Grabe kawawa naman tayo!

Naaalala ko tuloy ang pananaw ng existentialist philosopher na si Friedrich Nitzche. Sabi nya at ito'y applicable sa inaasal ng ating gobyerno, "He who was a why to live for can bear any how..."

Batid ng gobyerno na kailangan gawin nila ang lahat basta lamang makuha nila ang kanilang gusto at mapanatili sila sa pwesto.

Sa madaling salita, BASTUSAN NA TALAGA! Desperado na itong gobyernong ito. Hahamakin na ang lahat masunod lamang ang gusto nila!

No comments: