Monday, February 4, 2008

"TALAMAK NA TALAGA ANG KURAPSYON"

"TALAMAK NA TALAGA ANG KURAPSYON" dyan sa atin sa Pilipinas, yan ang nasabi ng isa kong kaibigan naninirahan sa isang bansa sa Europa.

Ako'y natawa lamang at nasabi ko sa loob ko na para namang di nagaganap ang kurapsyon dito sa Pilipinas.araming mga "gimik" ang pamahalaan at ang kanilang galamay kung papano kumamal ng salapi na di nila alintana ang katotohanang di nila ito madadala sa impyerno kung saan nakatakda silang sasalubungin ni Satanas!

Pero sa tingin ko, ultimo si Satanas ay matatakot na dumating ang panahon na pupunta ang lahat ng mga politiko sa impyerno. Bakit kamo? Kasi baka ma-impeach sya at palitan ng majority! Hahahaha. Ganyan kalala ang pagiging kurap ng mga politiko sa Pilipinas.

Ang sama nito, kung umasta ang mga hayup na ito sa kanilang pamosong barong, amerikana, patadyong at terno ay animong mga nuknukan ng linis. Talo pa ang pagkadalisay ni Virgin Mary.

Pumunta ka sa Mindanao, walang tulay, iskwelahan, pagamutan, maayos na daan at iba iba pang kailangan ng mamamayan ng naturang bayan na nasasakupan ng mga pilitikong ito. Pero wag ka, ang mga bahay nila't sasakyan ay naggagandahan! San sila kumuha ng pera? Syempre sa kaban ng bayan!

Di nila ginagamit ng tama ang pera na galing sa buwis na binabayad natin. Ang kakapal talaga!

Kamakailan, may ulat sa Imbestigador sa programa ng magaling at walang bahid na si Mike Enriquez tungkol sa mga poso na may nilagdaan na may may poso pero wala naman sa katotohanan. Saan napupunta ang pero mga hayup na politiko? Pero ang pamahalaan ay patuloy na nagbubulagbulagan.

Ganyan kawalang puso ang mga hayup nating politiko. Nakakasuka... Nakakagigil... Nakakalumbay... Nakakagalit.

Kaya di ko masisisi ang aking kaibigan sa Europa ng sinabi nya sa akin na "TALAMAK NA TALAGA ANG KURAPSYON" dyan sa atin sa Pilipinas.

Hahahaha. Nakakakatawa ang aking kaibigan. Totoo nga, "TALAMAK NA TALAGA ANG KURAPSYON" SA PILIPINAS, PERO DI NYA BATID NA MATAGAL NA. AT HABANG TUMATAGAL LALONG NAGIGING GARAPAL AT LUMALAKI ANG KINIKURAKOT NG MGA WALANG SILBI AT MAPAG-IMBOT NA POLIIKO SA PILIPINAS.

No comments: