Thursday, December 13, 2007

TATANDA AT LILIPAS DIN KAYO!!!

"Parang kailan lang ang pagiging presidente ko'y kay hirap abutin.
Dahil sa inyo, mga sundalo at mga pulis sa paligid ko.
Kasama na rin si Garci't Bedol na di madedbol at Abalos na parang palos...
Nais ko kayong pasalamatan sa pagiging presidente ko.

Tatanda at lilipas din ako, ngunit mayrong nakurakot at iipunin sa mga apo ko.
At para din sa inyo (mga sundalo at mga pulis, Garci, Bedol at Abalos) kayamanan.
Dahil nga minsan tayo'y nagsabwatan.

Parang kailan lang, ang mga nakurakot ko'y kay hirap ubusin.
Dahil sa mga pulis at sundalo, ang mga nakurakot ko'y unti-unting nauubos.
Nais kong magpalawig ng aking termino, upang ako'y makakurakot uli para sa inyo.

Tatanda at lilipas din ako, ngunit may naipon na kinurakot kong alaala.
Sana humaba pa ang aking buhay....

Tatanda at lilipas din ako, yan ang dapat mong isipin GMA.
Wag kang tumanda ng paurong.

Tatanda (at matatanda na kayo) Raul Gonzales, Sergio Apostol (aka "Madam Wetness"), mga heneral na walang bayag pero may bayad!)

Tandaan nyo, pagtanda nyo, baka pati apo nyo di na kayo galangin!

No comments: